Patuloy na pinalalawak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang connectivity sa bansa.
Kabilang rito ang naging inisyatibo sa deployment ng commercially available satellite technology na SpaceX na hindi lang kauna-unahan sa Pilipinas kundi maging sa buong Asian region.
Ayon sa DICT, mula nang ilunsad ang SpaceX sa bansa, mayroon nang 30,000 deployments nito ang naitala.
Bukod dito, patuloy rin ang pagpapalawak ng DICT ng programang Broadband ng Masa Program at Free Wi-Fi for All.
Katunayan, aabot na sa 12,418 lugar sa bansa ang kasalukuyang nakikinabang sa mga naturang programa.
Sa ilalim ng ‘Broadband ng Masa’, nagbibigay ang DICT ng mas mabilis at mas mahusay na koneksiyon sa broadband habang libreng internet connectivity naman ang hatid nito sa Free Wi-Fi for All.
“These initiatives ensure seamless delivery of essential services, education, and emergency communication—reaching even the most remote corners of the country,” pahayag ng DICT. | ulat ni Merry Ann Bastasa