Mula Enero 1 hanggang 23 ngayong taon, mahigit sa 32,000 delinquent motor vehicles ang naiparehistro sa Land Transportation Office-National Capital Region.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, sa kabuuang bilang, 11,745 dito ay sasakyan at 20,625 ang motorsiklo.
Sinabi ni Verzosa, resulta na ito ng pinahigpit na law enforcement operations ng regional at district law enforcement personnel ng LTO.
Pagtiyak pa ng opisyal na buong taon na nilang gagawin ang operasyon laban sa ‘unregistered motor vehicles’.
Alinsunod ito sa ipinatutupad na “no registration, no travel” policy, ng LTO.
Hanggang Nobyembre 2023, nasa higit 24.7 million delinquent vehicles ang bigong naiparehistro ng mga may-ari .
Ayon sa records ng LTO, karamihan sa mga walang rehistro ay mga motorsiklo. | ulat ni Rey Ferrer