Muli na namang namahagi ng tulong pinansiyal ang Quezon City local government sa mga kuwalipikadong residente ng lungsod.
Ayon kay QC Vice Mayor Gian Sotto, may 120 indibidwal mula sa iba’t ibang distrito ang pinagkalooban ng cash assistance para pandagdag kapital sa kani-kanilang negosyo at hanapbuhay.
Isinagawa ito sa ilalim ng Small Income Generating Assistance (SIGA) Program ng City government.
Kasama ng bise alkalde sa pamamahagi si Social Services Development Department at Chief Manpower Development Officer na si Elma Delos Reyes Ocrisma.
Para maging kuwalipikado, kailangang sumailalim muna sa training sa basic business management skills and strategies at financial literacy training ang mga aplikante bago sila mabigyan ng monetary support. | ulat ni Rey Ferrer