Halos 300,000 kilo ng recyclable materials ang nakolekta na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila sa loob ng dalawang taon.
Ayon sa MMDA, umiikot sa iba’t ibang barangay ang kanilang Mobile Materials Recovery Facility para lamang mangolekta ng mga recyclable materials sa mga residente na may katumbas na kaukulang puntos.
Bawat puntos ay maaari namang ipalit ng mga grocery items.
Samantala, nasa higit P1.3-million halaga ng grocery items ang naipapalit na sa mga nakalap na recyclables materials.
Ang Mobile Materials Recovery Facility at programang “Recyclables Mo, Palit Grocery Ko” ay inisyatiba sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project kung saan kabilang ang MMDA.
Layon ng proyektong mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila na ilan ay sanhi ng mga itinatapong basura.
Ang proyektong ito ay nagsimulang umarangkada noong taong 2021. | ulat ni Rey Ferrer