Sa loob lang ng apat na buwan, kabuuang Php137.6 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat ng Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay QCPD Director PBGen Redrico Maranan,
resulta aniya ito ng pina-igting na illegal drug campaign ng QCPD mula Setyembre 1, 2023 hanggang ngayong Enero 28, 2024.
Batay sa datos, abot sa 696 na anti-illegal drug operations ang ikinasa ng QCPD at 493 na drug suspects ang naaresto.
Kabilang sa top performing police stations ay ang Novaliches Police Station (PS-4), sinundan ng Batasan Police Station (PS-6) at ang Payatas at Bagong Silangan Police Stations.
Sinabi ni Gen. Maranan, ang tagumpay ng operasyon ay repleksyon ng commitment ng QCPD na pigilan ang pagkalat ng iligal na droga at gawing ligtas na pamayanan at drug-free ang Quezon City.| ulat ni Rey Ferrer