Higit P55-milyon tulay nakumpleto nang tapusin ng DPWH sa Aurora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang papakinabangan na ng mga magsasaka at residente ng San Luis, Aurora ang bagong kakatapos lamang na tulay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magdurugtong sa dating mga isolated community sa lugar.

Ayon sa DPWH, ang itinayong 60-lineal meter Biclat Bridge sa kahabaan ng A.C. Buencamino Street na tumatawid ng Biclat River ay tutulong sa mga residente ng mga isolated community sa San Luis partikular na sa mga Barangay ng Dibalo at Dibut.

Dagdag pa rito, magsisilbi itong daanan para sa transportasyon ng mga materyales at agricultural goods sa mga kalapit na mga pamilihan.

Binubuo ang nasabing kongkretong tulay ng 38 solar streetlights, thermoplastic pavement markings at mga road safety signage para sa kaligtasan ng mga motorista na dadaan sa tulay.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us