House Committee on Energy, magpapatawag ng pagdinig kaugnay sa blackout sa Panay Island sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na sa susunod na linggo, January 11, ang pagdinig ng House Committee on Energy tungkol sa malawakang black out sa Panay Island.

Ayon ito sa ibinahaging Notice of Meeting ni Iloilo City Representative Julienne “Jam” Baronda mula sa naturang komite.

Aniya, hiniling niya at ng iba pang kongresista sa House leadership na masilip ang panibagong problema sa kuryente sa kanilang lalawigan.

Mayroon na aniya resolusyon ang Iloilo lawmakers para magsagawa ng pormal na pagsisiyasat ukol dito, ngunit dahil naka-break pa ang Kongreso, ay itutuloy na lang ng Committee on Energy ang nauna nitong imbestigasyon kaugnay sa power interruption sa probinsya na naganap noong April 2023.

Maigi aniya ito upang mas mabusisi ang isyu at mapanagot ang mga responsable.

Malaki naman ang pasasalamat ng mambabatas kay Speaker Martin Romualdez at Marinduque Representative Lord Allan Velasco na siyang chair ng Komite sa positibong tugon sa kanilang hiling. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us