Nais ni Speaker Martin Romualdez na magbigay ng update ang DSWD at National Council on Disability Affairs (NCDA) sa publiko at sa Kongreso hinggil sa compliance rate ng batas na naggagawad ng 12% VAT exemption sa mga PWD.
Ayon sa lider ng Kamara, maaaring gamitin ng Kapulungan ang oversight function nito para imbestigahan ng angkop na komite ang ulat ng hindi tamang paggamit sa naturang diskwento ng mga PWD at maging ng senior citizens.
Maliban sa mismong PWD, mayroon din kasing tax incentives ang mga nag-aalaga o naninirahan kasama ang mga PWD hanggang sa ika-apat na antas ng affinity o consanguinity.
Una nang nanawagan si Romualdez sa DSWD, NCDA at Kamara na imbestigahan ang mga pang-aabuso sa paggamit ng naturang PWD privilege. | ulat ni Kathleen Jean Forbes