Aminado si House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na dismayado ang Kamara sa desisyon g Senado na hindi na itulak ang Resolution of Both Houses no.6 para amyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.
Kasunod ito ng pahayah ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maraming Senador ang tutol na sa RBH no.6.
Bunsod ito ng alegasyon na bilihan ng pirma para naman sa People’s Initiative na umano’y itinutulak ng Kamara.
Ayon kay Dalipe, nakalulungkot na nagdesisyon ang Senado nang hindi muna inalam kung may katotohanan ang alegasyon.
Paulit-ulit na rin naman aniyang itinanggi ni Speaker Martin Romualdez na siya o ang liderato ng Kamara ang nasa likod sa umanoy pagbili ng mga pirma para maisulong ang P-I.
Sabi pa ni Dalipe, tila pinaasa din ng Senado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na susuportahan nila ang “economic reforms” ng konstitusyon kasama ang Kamara. | ulat ni Kathleen Forbes