Para kay House Committee on Energy Chairperson Lord Allan Velasco, hindi iisang ahensya ang dapat sisihin sa nangyaring malawakang blackout sa Panay Island.
Para sa mambabatas, ang kabuuan ng energy sector ang may pananagutan sa nagyaring island-wide power outage.
Dapat aniyang maghigpit pa ang energy regulators sa susunod na mangyari ito ay tiyak nang may magiging accountable.
Panahon na rin aniyang busisiin at baguhin ang Philippine Grid Code upang maalis na ang iba-ibang interpretasyon na minaan ay ginagamit na palusot.
Ang DOE at ERC, pinayuhan naman niya na tutukan ang mga atrasadong proyekto.
Higit sa lahat, kailangan aniya ng maayos na komunikasyon ang lahat ng nasa industriya ng enerhiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes