Muling iginiit ni House Ways and Means Committee Chair at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang kahalagahan ng kagyat na pag-rebisa sa ating Saligang batas, patikular ang economic provisions nito.
Aniya, matagal na itong isinusulong ng Kamara at suportado rin aniya ng koalisyon at partido ng Pangulo.
Paalala pa nito na natural lang para sa mga demokratikong nasyon na amyendahan ang konstitusyon upang maiakma sa nagbabagong panahon.
Tinukoy pa nito ang US constitution, kung saan ibinatay ang ating Saligang Batas, na inamyendahan ng 27 beses kung saan ang pinaka una dito ay ilang buwan lang matapos maging epektibo ang kanilang konstitusyon.
Kung ikukumpara aniya sa Pilipinas, halos 40 taon na aniya ang ating 1987 Constitution at napapanahon na ang rebisyon.
Sinabi rin ng mambabatas na dapat ay makinig ang Senado, bilang halal na mga opisyal, sa nais ng publiko na People’s Initiative.
Sa kaniyang panig, suportado aniya niya ang pakikibahagi ng mga botante sa pagsusulong ng charter change.
Diin pa ni Salceda na mas maiging ngayon na gawin ang charter change kaysa sa 2028 kung kailan malapit na ang eleksyon upang mapawi ang pangamba ng publiko na gagawin ito para palawigin ang termino ng Pangulo.
“Allow me to emphasize this: It is better to initiate Charter Change long before the 2028 Presidential Elections, so that the public can rest assured that this is no attempt to extend President Marcos’s term. The time to do it is now when there is also enough time to do it before the 2025 midterm elections. ” diin ni Salceda
“There are constitutionally provided processes of initiating Charter Change, and there is a process for opposing Charter Change. Let us go through the process, proponents, and opponents alike.” dagdag ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes