Sang-ayon si House Committee on Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda sa pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na mas pabor sa mga mamumuhunan kung agad na matatapos ng lehislatura ang proseso ng pag-amyenda sa Konstitusyon.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Balisacan na umaasa siyang magkakasundo na ang Kongreso kaugnay ng pag-amyenda sa Saligang Batas para mas mapalagay ang mga mamumuhunan na nag-aabang sa mga mangyayari bago magdagdag o magpasok ng investment sa bansa.
“I agree. Investor certainty is a function of legislative speed. The shorter the debates take, the more certain investors become. But in the House framework – there is no investor uncertainty. If anything, there is cause for investor optimism,” sabi ni Salceda.
Paliwanag ng mambabatas, ang commitment ng Kamara ay palawigin at hindi pigilan o higpitan ang pagbubukas ng ekonomiya para sa foreivn investment.
Gagawin din aniyang mas madali ang proseso ng pamumuhunan.
“So, we will impose no new regulatory restrictions on areas that are already open. Three, we commit to expanding access to existing areas of investment that have some restrictions. Existing limits in the Constitution will now be subject to an enabling law under our proposal.” sabi ng mambabatas
Sa panukala ng Kamara, sinabi ni Salceda na inaasahan ang paglalagak ng mga dayuhang mamumuhunan ng mas maraming investment dahil mababawasan ang kanilang mga aalalahanin.
Sa paraang ito mas makapag bubuhos sila ng kapital at makakapag bukas ng trabaho para sa mas maraming Pilipino. | ulat ni Kathleen Forbes