Malaki ang pasasalamat ni House Ways and Means Chair Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglagda nito sa Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Law.
Ayon sa mambabatas, ito ang pinaka komprehensibong reporma sa tax administration mula nang maging batas ang National Internal Revenue Code noong 1997.
Sa pamamagitan nito ay gagawing mas madali ang pagbabayad ng tax payers ng buwis sa pamamagitan ng pag-digitize sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Dahil dito, tinuring ni Salceda si Pangulong Marcos bilang ‘modernizer’ ng mga lumang sistema.
“In that sense, and in keeping with other reforms PBBM has signed, such as the PPP Code, it makes President Marcos a modernizer of long-stagnating systems,” sabi ni Salceda
Sa ilalim ng batas, aalisin na ang P500 registration fee.
Isa rin sa mga mahahalagang probisyon ang pagiging exempt ng mga overseas Filipino worker sa paghahain ng income tax return.
Padadaliin na rin aniya ang pagproseso ng VAT refund lalo at nadedehado aniya rito ang mga investor, at pagbuo ng micro, small, and medium taxpayer services sa BIR para sa maliliit na negosyo
“One key amendment is that we are introducing four classifications of taxpayers – micro, small, medium, and large — with easier requirements for the smaller taxpayer,” sabi pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Forbes