Iginiit ni Senador Francis “Tol” Tolentino ang kahalagahan ng pagpapanatili sa iconic jeepney design sa inisyatiba ng pamahalaan sa pag-modernize ng mga Public Utility Vehicle.
Sa isang interview, hinimok ni Senador Tolentino ang Department of Transportation (DOTr) na suportahan ang tradisyunal na disenyo ng jeepney na nagpapakita ng kasaysayan at kultura ng bansa.
Ayon naman kay DOTr Chairman of Transportation Cooperatives Andy Ortega, bagama’t kanilang priority ang pagtuon sa kaligtasan at kalikasan para sa mga modernong sasakyan, siniguro nito sa senador na ini-encourage nito ang mga kooperatiba na piliin pa rin ang iconic Filipino design para sa modern jeeps.
Hinimok din ni Senador Tolentino na makipag-usap sa mga lider na tumututol sa PUV modernization lalo na ang mga kinatawan ng mahigit 30,000 PUJ na maaapektuhan sa pagsisimula ng apprehension sa Pebrero 1.
Positibo naman ang sagot ni Ortego at sinabing bukas ang DOTr sa mga pag-uusap at aktibo na nagbibigay impormasyon sa mga driver at operator bago pa man ang consolidation deadline noong December 31, 2023. | ulat ni EJ Lazaro