Maayos na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Indo-Pacific Command ang kanilang ikalawang Maritime Cooperative Activity (MCA) sa West Philippine Sea.
Ito ang inahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad sa pagtatapos kahapon ng dalawang araw na aktibidad.
Ayon kay Col. Trinidad, naipakita sa aktibidad ang kakayahan at interoperability ng magkaalyadong pwersa.
Una na ring iniulat ni Col. Trinidad na walang naging untoward incident sa naturang aktibidad, bagama’t nagkaroon ng “shadowing” ang dalawang barkong pandigma ng China sa mga barko ng Philippine Navy at U.S. Navy na kasama sa aktibidad.
Pinabulaanan din ni Col. Trinidad ang mga lumabas na ulat sa Chinese media na pinalibutan ng mga barko ng China ang mga pwersa ng Pilipinas at Estados Unidos na nagsasagawa ng sabayang pagpatrolya.
Giit ni Col. Trinidad na imposibleng mangyari yun dahil dalawa lang ang barko ng China at mas marami ang mga barko ng Pilipinas at Estados Unidos sa lugar kung saan isinagawa ang MCA. | ulat ni Leo Sarne
📸: AFP PAO