Ikalawang round ng procurement process para sa 2025 midterm elections, itutuloy na uli ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling magsasagawa ang Commission on Elections (COMELEC) ng bidding para sa gagamitin na teknolohiya sa 2025 midterm elections. 

Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, itutuloy na uli ng Comelec sa January 8 ang ikalawang round ng procurement. 

Ito ay matapos magkaroon ng failure of bidding ang komisyon noong nakaraang Disyembre 14, dahil sa kakulangan ng mga requirement na isinumite ng lone bidder na Joint Venture na Miru System Company Limited. 

Pero kahit nagkaroon ng kakulangan sa mga legal document ang nasabing kumpanya, maaari pa rin naman daw silang sumali sa second-round ng bidding. 

Gaya ng dati, muling susuriin ng Bids and Awards Committee ng Comelec ang mga dokumento ng Joint Venture at iba pang mga kumpanya na nais sumali. 

Samantala, hindi pa rin daw pahihintulutan ng Comelec ang Smartmatic na sumali sa bidding matapos itong mapatunayan na nakipagsabwatan kay dating Chairperson Andres Bautista sa maanomalyang kontrata noong 2016 elections. 

Ito ay kung wala pa rin daw makukuha na Temporary Restraining Order sa disqualification case na denisisyunan ng Comelec laban sa nasabing kumpanya. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us