Naniniwala si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na mapupunta sa magandang kamay ang Department of Finance (DOF) sa pamumuno ni bagong talagang Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Legarda, sa kakayahan at kaalaman ni Recto sa economics at finance ay tiwala siyang matutulungan nito ang ating bansa na makamit ang economic stability.
Nangako rin ang senator, na hindi lang niya susuportahan si Recto sa Commission on Appointments (CA) kung hindi iisponsor pa niya ang confirmation nito.
Tinawag naman ni Sen. Grace Poe si Recto na isa sa mga top economic manager ng Pilipinas.
Bukod sa pagiging matapang na Batangueño ay isa rin aniyang batikang mambabatas at economist si Recto na makakatulong sa paglago ng financial state ng Pilipinas.
Para naman kay Sen. Nancy Binay, perfect choice si Recto dahil sa kanyang malawak na karanasan bilang isang ekonomista, at sa kanyang di-matawarang kontribusyon sa pagsasaayos ng pananalapi ng bansa bilang NEDA chief at mambabatas.
Aniya, bilang kanilang go-to at numbers-genius guy sa Senado noon pagdating sa budget, taxation at finance, napakalaking bagay ang kanyang exposure pagdating sa paglalatag ng fiscal policy ng pamahalaan. | ulat ni Nimfa Asuncion