Binaha ang ilang bahagi ng Davao Region kahapon dulot ng patuloy na pag ulan hafid ng northeast monsoon.
Sa Davao de Oro, umabot sa 13 lugar ang binaha kabilang dito ang Brgys. Doña Josefa at Aguinaldo sa Laak, Brgy. Sarmiento, New Bataan, Brgys. Nueva Visayas, Bawani, Andili, at Poblacion a bayan ng Mawab, Barangay Magading sa Nabunturan, at sa Maco.
Nakatala ang Office of Civil Defense XI ng 3 landslide sa Brgy. Camanlangan, New Bataan, Brgy. Linda, Nabunturan at Brgy. Gubatan, Maco, Davao de Oro.
Hindi naman madadaanan ng lahat ng klase ng sasakyan ng apat na mga national road kabilang dito ang Trukat, Camanlangan, New Bataan, Rizal, Monkayo, Sawangan, Mawab, Bahi sa Maragusan at isang tulay naman ang hindi madadaanan ang Fatima bridge sa Fatima, New Bataan, Davao de Oro.
Samantala, umabot sa 552 na pamilya ang apektado ng pagbaha kung saan 446 dito ay nakasilong sa mga evacuation center.
Kaugnay nito patuloy ang Department of Social Welfare and Development XI sa pamimigay ng assistance sa mga apektadong pamilya kung saan umabot na sa P342,625 ang naibigay nito.
Nakapagbigay na rin ng 550 family food packs ang DSWD at 60 packs ng tig limang kilo ng bigas mula sa MDRRMO Caraga ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya.
Sa ngayon balik na sa mga paaralan ang mga mag aaral dito sa Davao City matapos kinansela kahapon dulot ng masamang panahon. Samantala, wala pang lgu sa kasalukuyan ang nagdeklara ng state of calamity na apektado ng northeast moonsoon. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao