Ilang kalsada sa lungsod ng Maynila pansamatalang isinara kasunod ng Pista ng Sto. Niño de Tondo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ngayong araw ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalsada sa palibot ng Archdiocesan Shrine of Sto. Niño o Tondo Church mula ngayong araw hanggang bukas dahil sa mga isinarang kalsada kasunod ng Pista ng Sto. Niño de Tondo.

Kabilang sa mga kalsadang pansamantalang isinara ngayong araw ay ang mga sumusunod:

1. Kahabaan ng N. Zamora St. mula Moriones St. hanggang Chacon St.

2. Kahabaan ng Sta. Maria St. mula Moriones St. hanggang Morga St.

3. Kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang N. Zamora St.

4. Kahabaan ng Morga St. mula J. Nolasco St. hanggang Juan Luna St.

5. Kahabaan ng Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.

6. Kahabaan ng Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang Ilaya St.

7. Kahabaan ng Ilaya St. mula Lakandula St. hanggang CM. Recto Ave.

8. Kahabaan ng Chacon St. mula N. Zamora St. hanggang Juan Luna St.

9. Kahabaan ng Soliman St. mula Morga St. hanggang N. Zamora/Ortega

Narito naman ang mga alternative route na pwedeng daanan ng ating mga motorista ngayong kapistahan ng Sto. Niño upang makarating sa inyong mga destinasyon:

1. Ang lahat ng sasakyang gumagamit ng J. Nolasco St. na patungo sa Tondo Church ay dapat kumanan sa Morga St., diretso sa Tuazon St., sa Wagas St., o kaliwa sa Asuncion St. hanggang CM. Recto Ave. hanggang sa destinasyon.

2. Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa Pritil na gumagamit ng N. Zamora St. ay kumaliwa sa Moriones St. hanggang Juan Luna St. hanggang sa destinasyon.

3. Ang lahat ng sasakyang gumagamit ng CM.Recto Ave./Asuncion St. ay kumaliwa sa Lakandula St. patungo sa destinasyon.

Asahan namang magbabalik sa normal ang trapiko sa lugar matapos ang mga aktibidad na inilatag kasunod ng Pista ng Tondo.

Nakakalat naman ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) at Manila Traffic Bureau para umagapay sa peace and order gayundin sa pagsasaayos ng trapiko sa lugar. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us