Abiso sa mga motorista.
Maaaring makaranas ng mas mabigat na trapiko ang ilang kalsada sa Metro Manila sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa isasagawang paglilipat ng tunnel boring machine na gagamitin para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project simula sa February 2 at 3 at February 4 at 5 ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Ayon sa Department of Transportation, ang naturang tunnel boring machine ay gagamitin sa pagtatayo ng lagusan na magko-konekta sa Ortigas Avenue Station, Shaw Boulevard Station, at Kalayaan Avenue Station ng Metro Manila Subway Project.
Kabilang sa mga apektadong kalsada ang:
- 5th Avenue (simula 11 PM – 12 MN)
- Araneta Avenue (simula 1 AM – 2 AM)
- Gilmore Avenue (simula 1 AM – 2 AM)
- Ortigas Avenue – C5 Road (simula 2:30 AM – 3:30 AM)
- Doña Julia Vargas Avenue (simula 3:30 AM – 4:00 AM)
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Humingi naman ng paumanhin ang Department of Transportation (DOTr) sa mga maabala ng gagawing paglilipat ng tunnel boring machine. | ulat ni Diane Lear