Simula bukas ng gabi Pebrero 1 hanggang Pebrero 6, magpapatupad ng water service interruption ang Manila Water sa ilang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Sa abiso ng Manila Water, may isasagawa silang maintenance activities sa mga lugar na maaapektuhan nito.
Ngayon pa lang pinapayuhan na ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang pagpapatupad ng water interruption.
Kabilang sa makakaranas ng kawalan ng tubig ang ilang bahagi ng San Juan, Marikina City, Quezon City,
Cainta, Antipolo, Rodiquez, Angono at Binangonan sa Rizal.
Asahan na umano na mararamdaman ang kawalan ng suplay ng tubig mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw at alas-6 ng umaga.
Samantala, ngayong alas-10 din ng gabi hanggang bukas ng alas-4 ng madaling araw may ilang lugar din sa Quezon City, Antipolo, Taytay, at Jala-Jala sa Rizal ang mawawalan din ng suplay ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer