Makararanas ng water interruption ang ilang customer ng Maynilad sa ilang bahagi ng Quezon City simula mamayang gabi.
Sa abiso ng Maynilad, regular na muli itong magsasagawa ng maintenance activities para mapanatili ang maayos na kundisyon ang kabuuang distribution system sa West Zone.
Kabilang sa inaasahang maapektuhan ay ang Barangay Talipapa at Ugong simula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng January 16.
May nakaiskedyul ding water interruption sa San Bartolome, Nagkaisang Nayon, Bahay Toro, Bagbag, Talipapa, Sauyo, Sangandaan, at Gulod.
Ayon sa Maynilad, karamihan sa maintenance activities nito ay isasagawa naman sa off-peak hours upang maibsan ang epekto sa mga customer.
Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption.
Pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa