May agam-agam pa rin ang ilang may-ari ng panaderia sa Marikina City hinggil sa pagtataas ng presyo sa kanilang itinitindang tinapay.
Ito’y kahit suportado pa nila ang umento sa presyo ng tasty at pandesal dahil sa mahal ng mga sangkap sa paggawa ng tinapay gaya ng harina at itlog kahit pa mababa ang farm gate price nito.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang may-ari ng panaderia na gustuhin man nilang magtaas ng presyo, hindi nila magawa dahil sa takot na mabawasan ng parokyano.
Kaya diskarte nila ay bawasan na lamang ang sukat ng kanilang mga panindang tinapay partikular na sa pandesal, bagay na naiintindihan naman ng kanilang nga suki.
Nabatid na nasa 2.50 piso ang presyo ng kada piraso ng pandesal habang naglalaro sa 50 hanggang 55 piso ang kada loaf ng tasty. | ulat ni Jaymark Dagala