Inilahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga naisagawang proyekto at programa ng pamahalaan sa taong 2023.
Iniulat ng Chief Executive ang may 33 karagdagang specialty centers, mahigit 2,000 classrooms, at pitong karagdagang cold chain facilities na naipatayo noong isang taon.
Bukod pa dito, ayon sa Pangulo, ang nalikom na mga investments sa renewable energy habang natapos na din aniya ang may walong water supply projects.
Kasama din sa inilatag ng Pangulo ang mga programa para sa mga mahihirap na mga Pilipinong gaya ng Tupad, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program.
Dagdag ng Pangulo na ang mga programa ay hindi lamang dapat nadidinig sa mga talumpati kundi higit sa lahat ay kailangang maramdaman ng marami. | ulat ni Alvin Baltazar