Binuksan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang regional issues sa pakikipag-pulong kay Vietnamese President Vo Van Thuong, sa State Visit nito sa Hanoi, Vietnam.
Kabilang dito ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) na ayon sa Pangulo ay nananatiling pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan ng Beijing at Maynila.
Binigyang diin ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa South China Sea na palaging naka-angkla sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“In my State Visit to China last year, I reaffirmed with President Xi that maritime issues should not constitute the sum total of our relations, and that we should work to enhance our comprehensive strategic cooperation.” -Pangulong Marcos.
Hindi rin aniya titigil ang Pilipinas sa pagdepensa sa soberanya, karapatan, at hurisdiksyon ng bansa, laban sa mga iligal na aktibidad ng China sa rehiyon.
“We are firm in defending our sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction against these Chinese provocations. But at the same time, we are also seeking to address these issues with China and all other partners through peaceful dialogue and consultations as two equal sovereign states.” -Pangulong Marcos.
Sa ibang usapin pa, nagpahayag ng concern ang pangulo, kaugnay sa mga naitatalang tensyon sa Taiwan Strait, lalo’t anoman aniyan armed conflict na maganap sa Taiwan ay tiyak na makakaapekto sa Hilagang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Nagpahayag rin ng concern ang Pangulo sa humanitarian crisis sa Gaza, kasabay ng panawagan sa UN, na ipagpatuloy ang peacekeeping missions nito sa rehiyon.
“The Philippines supports the efforts of the United Nations to deliver urgent humanitarian assistance and essential supplies to Palestinian civilians caught in the midst of the conflict in the Gaza Strip. We also continue to support the UN peacekeeping missions in the region.” -Pangulong Marcos.
Habang ginamit rin ng pangulo ang pagkakataon, upang manawagan ng kooperasyon sa Vietnam, para sa climate action, at iba pang research initiatives ng COP28 laban sa pagbabago ng panahon.| ulat ni Racquel Bayan