Ilang senador, sinabing may trust isyu na sila sa Kamara dahil sa nangyayaring pagpapapirma para sa people’s initiative

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang ilang mga senador na mayroon nang trust issue sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa nangyayaring signature campaign para sa people’s initiative (PI).

Ipinunto ni Senator Imee Marcos na una nang nagkasundo sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcoa Jr. na hindi ititigil ang people’s initiative.

Sa pag-uusap na ito aniya nabuo ang pagsusulong ng Resolution of Both Houses no. 6, na nagpanukala ng amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas.

Sa kabila ng pagsunod ng Senado sa kasunduan ay hindi pa rin aniya tinigilan ng Kamara ang pagpapapirma para sa PI.

Sinegundahan rin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang pahayag na ito ni Sen. Imee…

Giniit ni Villanueva, na hindi naman haharang ang mga senador sa economic chacha at sa tunay na people’s initiative.

Ang inaalmahan aniya nila ang ilegal na pangangalap ng pirma para sa PI at paggamit ng kaban ng bayan para dito.

Sa ngayon, dahil sa nangyayari ay hindi pa tiyak kung matutuloy ang pagtalakay sa RBH No. 6 sa Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us