Pinuri ni Ilocos Sur Representative Ronald Singson ang Department of Education sa hakbang na unti-unti nang bumalik sa dating school calendar simula sa susunod na school year.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ni DepEd Director Leila Areola sa Kamara na mayroon nang nakahandang kautusan para amyendahan ang DepEd Order 22, s. 2023, na tumutukoy sa opisyal na school calendar at mga aktibidad para sa school year 2023-2024.
Aniya, matagal nang panawagan na magbalik sa pre-pandemic schedule.
Umaasa naman si Singson na maisapinal agad ng ahensya ang guideline para sa pagbabalik sa June-March school calendar.
Isa si Singson sa mga mambabatas na naghain ng panukala para ibalik ang pagbubukas ng klase sa unang Lunes ng Hunyo kada taon. | ulat ni Kathleen Forbes