Welcome sa Department of Transportation partikular sa Office of Transportation Cooperatives (OTC) ang ikinakasang imbestigasyon ng Kamara sa umano’y korapsyon sa jeepney modernization.
Kasunod na rin ito ng impormasyong natanggap ni House Speaker Martin Romualdez sa umano’y sabwatan sa pagitan ng dati at kasalukuyang transport officials para sa negosasyon ng imported modern jeep.
Ayon kay OTC Chair Jesus Ferdinand Ortega, walang katotohanan ang impormasyong ito.
Handa aniya silang makipagtulungan at humarap sa Kamara kung ipapatawag kaugnay ng naturang concern.
Sinegundahan din ito ni LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano na sinabing hindi nadidiktahan ng gobyerno ang pagbili ng modernized unit ng transport service entities.
Paliwanag nito, ang tanging tungkulin ng gobyerno ay ibigay ang Philippine national standards na basehan ng distributor kung ano ang specifications ng mga unit na kukunin. | ulat ni Merry Ann Bastasa