Lalo pang bumagal sa 3.9% inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Disyembre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayo kay PSA National Statistician at Undersecretary Dennis Mapa, mas mababa ito sa 4.1% ang inflation noong Nobyembre at 8.1% inflation sa kaparehong buwan ng 2022.
Pasok rin ito sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 3.6%- 4.4%.
Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng pagbagal sa inflation sa singil sa kuryente, Liquefied Petroleum Gas (LPG), at renta sa bahay.
Nakaambag rin ang food and non-alcoholic beverages na nasa 5.4% ang inflation nitong Nobyembre.
Kasama sa nakaambag rito ang mas mabagal na pagtaas sa presyo ng gulay gaya ng repolyo, at manok.
Sa National Capital Region (NCR) naman, bumagal rin sa 3.5% ang inflation mula sa 4.2% noong Nobyembre habang 4% naman sa labas ng NCR.
Naitala naman sa BARMM ang pinakamataas na inflation nitong Disyembre habang ang Cagayan Valley ang may pinakamababang inflation.
Ayon sa PSA, ang average inflation mula Enero hanggang Disyembre 2023 ay nasa antas na 6%. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: PNA