Information dissemination sa bomb jokes, mas paiigtingin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas paiigtingin ng Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) katuwang ang mga local airlines, ang malawakang information dissemination campaign sa publiko para paalalahanang huwag gumawa ng mga biro na magdudulot ng pagkaalarma sa airport at sa loob ng sasakyang panghimpapawid tulad ng bomb threats o bomb jokes.

Ayon kay AVSEGROUP Director General Jack Wanky, sa naging pagpupulong sa Civil Aeronautics Board kasama ang mga airlines, may domino effect ang bomb jokes sa pagkakaantala ng maraming flights.

Sinabi rin ni PNP-Aviation Securiy Group Investigation Colonel Gary Reyes, base sa record noong nakaraang taong 2023, nakapagtala ang PNP-AVSEGROUP ng walong report na bomb jokes at nito lang Enero 2024, nakatanggap ang PNP ng tatlong bomb joke incidents sa iba’t ibang paliparan kabilang na sa mga lalawigan.

Mahaharap ang sinumang indibidwal sa mga kaso sa ilalim ng Presidential Decree 1727 o kilala din bilang Anti-Bomb Joke Law. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us