Nakapagtala na ng inisyal na pinsala sa agrikultura ang Department of Agriculture (DA) sa Davao Region dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng shearline.
Ayon sa DA, umabot na sa P64.07-million ang halaga ng pinsala at lugi sa mga pananim sa Davao del Norte at Davao de Oro.
Kabilang sa mga nasirang pananim ang palay, mais at high-value crops.
Nasa 5,737 na magsasaka at 7,121 ektarya ng agricultural lands ang apektado na mula nang manalasa ang shearline noong Enero 15,2024.
Mahigpit nang nakikipag-ugnayan ang DA Regional Field Office 11 sa mga apektadong LGU at iba pang tanggapan ng Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ito ay upang malaman ang mga pangangailangan at interbensyon na maipagkakaloob sa mga magsasaka at mangingisda. | ulat ni Rey Ferrer