Inatasan ni Finance Secretary Ralph Recto ang Insurance Commission (IC) na palakasin ang ipinatutupad na “Financial Products and Services Consumer Protection Act” na siyang tutulong sa mga konsyumer na mapangalagaan ang kanilang karapatan at interes.
Sa ipinadalang mensahe ni Recto sa 75th anniversary ng IC, binigyang direktiba nito ang komisyon na maging proactive na makipag-ugnayan sa mga eskwelahan upang palakasin ang ‘financial literacy’ ng mga estudyante para sa matibay na capital market at ‘globally competitive Philippine economy’.
Hinimok din ng kalihim ang IC na pangunahan ang bansa para sa pagsisimula ng mga malikhain at “out-of-the-box solutions” upang resolbahin ang mga issues sa ahensya at protektahan ang mga regulasyon at insuring public.
Panahon na rin aniya na i-take advantage ang “technological innovations” at “information system project” upang lumawak ang alok na serbisyo nito sa publiko na naglalayong pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino na siyang layunin ng ‘Bagong Pilipinas’.
Samantala, pinuri rin ng kalihim ang IC sa mga nagawa nito sa sambayanan at sa pamahalaan.
Sa loob ng nakalipas na 75 taon, nasustine ang paglago ng asset premiums at investment ng ahensya. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes