Sisimulan na ng Commission on Election ang paggamit ng internet voting para sa mga Pilipino na nasa ibang bansa na kwalipikadong bumoto para sa 2025 Midterm Election.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagamit ang Comelec ng internet voting para sa isang halalan.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na pagsusumikap ng Komisyon na maging high tech ang halalan sa bansa.
Kaya naman hinihimok ng Comelec ang mga OFW na samantalahin na ang registration para sila ay makaboto sa 2025 election.
Hanggang September 2025 ang itinakdang registration ng mga OFW para sila ay makaboto sa 2025 Midterm Election.
Sa Abril 2025 naman sisimulan ng Comelec na bomoto ang mga OFW sa pamamagitan ng internet voting. | ulat ni Michael Rogas