Iprinesenta ng Public-Private Partnership (PPP) Code Implementing Rules and Regulations (IRR) Committee ang mga pangunahing aspeto ng Republic Act. No. 11966 sa mga local government official sa ginanap na ika-103 National Executive Board Meeting ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), Inc.
Itinalakay sa pulong ang mga reporma na naglalayong pag-isahin ang legal framework ng PPP, kabilang ang pagpapabilis ng approval process ng mga local PPP project, gayundin ang pagpapalakas ng mga institusyon para sa PPPs.
Bahagi rin ang nasabing pulong anf inisiyatiba ng IRR Committee para mag-conduct ng mga serye ng consultation sa stakeholders para ipakita ang mga major reforms na nailatag sa Code.
Kaugnay nito, kahapon, December 19, isang MOA ang nilagdaan ng PPP Center at ULAP para sa pagbabalangkas ng kooperasyon at koordinasyon para sa layuning magbuo ng isang robust pipeline para sa mga PPP projects para mga LGU’s na miyembro ng ULAP.
Kasama rin sa kasunduan ang commitment ng patuloy na pagtutulungan sa mga kasapi ng ULAP sa pagbuo at pagpapatupad ng mga PPP initiatives.
Maaalala noong December 5, 2023, nilagdaaang bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PPP Code ng Pilipinas. Kung saan layunin nito na mapalakas at mai-institutionalize ang mga PPP sa bansa.
Naging epektibo ang nasabing Code noong December 23, 2023 at dapat ayon sa batas ay makapagpalabas ng IRR sa loob ng 90 araw o bago ang Marso 23 ng taong ito. | ulat ni EJ Lazaro