Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na magiging positibo ang tugon ng mga trade partners ng Pilipinas sa itinutulak na pag-amyenda ng restrictive economic provisions ng Konstitusyon.
Sa welcome lunch para sa Philippine delegation sa World Economic Forum 2024, ibinida ni Romualdez ang pagsisikap ng pamahalaan na gawing investor-friendly ang bansa sa pamamagitan ng Charter Change.
Aniya, kung dati ay may alinlangan pa ang Senado sa Cha-Cha, ngayon ay pangungunahan na nito ang proseso.
Kumpiyansa din si Romualdez, na tulad ng Maharlika Investment Fund, ay hindi na lang basta magiging konsepto lang ang Charter Change ngunit tuluyang maisasakatuparan.
“It would be a welcome development for our trade partners. So this is no longer a concept or a desire, just like the Maharlika (Investment Fund) was. It proves that ‘we walk the talk.’ When we talk about opening up our economy, then we actualize it through acts that are clearly tangible. Again, thanks to the leadership of the Marcos administration,” ani Romualdez.
Sabi pa ni Romualdez na maraming maiaalok ang Pilipinas pagdating sa pagtanggap ng mga negosyo ngayong may sovereign wealth fund na ang bansa at umaasa ito na magiging isa ang Maharlika Investment Fund (MIF) sa mga matagumpay na sovereign wealth fund sa mundo.
“And that is our dream that it would not only be one of the newest sovereign wealth fund, but hopefully one of the most successful ones, if not the top performer,” diin ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Jean Forbes