Jeepneys na napaso na ang prangkisa, may pag-asa pang makalahok sa franchise consolidation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga jeepney driver at operator na makahabol pa sa franchise consolidation sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) makaraang palawigin pa ang franchise consolidation ng tatlong buwan o hanggang Abril 30 ng taong ito.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III, pagsapit ng Enero 31 ay awtomatiko munang mapapaso ang kanilang prangkisa.

Doon, bibigyan ng pagkakataon ang mga jeepney operator at driver na mai-renew ang mapapaso nilang prangkisa bago naman sila tuluyang makalahok sa kooperatiba para sa consolidation.

Nangangahulugan ito ani Guadiz na ang mga prangkisang irerehistro sa loob ng tatlong buwang palugit ay hindi na ipapangalan sa mga may-ari ng jeepney kung hindi sa kooperatibang kanilang sasalihan. Sa kaniyang panig, ipinaalala naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang prangkisa ay hindi isang karapatan kung hindi ay isang pribilehiyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us