Pinapalakas pa ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council ang kakayahan ng mga barangay sa paglaban sa ilegal na droga.
Ayon kay QC Vice Mayor Gian Sotto, isinasailalim sa mga pagsasanay ang mga barangay official upang mabigyang gabay,lalo na ang mga bagong miyembro ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Pursigido ang lokal na pamahalaan na maging isang ganap nang drug-free ang buong Quezon City.
Huling nagsagawa ang Quezon City -ADAAC ng Strengthening Institution Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP-BADAC) training sa QCX Museum para sa mga barangay mula sa District 2, 5, at 6.
Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang kaalaman at naghandog ng presentation ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), QCPD at USAID Renew Health Project. | ulat ni Rey Ferrer