Nagkaisa ang Kamara para pagtibayin ang resolusyon na ihayag ang buong suporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa kaniyang liderato at pagtutulak sa bansa sa pagiging isang Bagong Pilipinas.
Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paghahain ng House Resolution 1557 kung saan nakalahad ang pagkakaisa ng mga partido politikal ng Kamara para sa hangarin ni PBBM na maisulong ang Bagong Pilipinas at mas magandang buhay para sa mga Pilipino.
Sa sponsorship ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., kaniyang hinimok ang iba pang mga kasamahang mambabatas na magkaisa sa likod ng Pangulo.
“Let me urge each one of you to support the adoption of House Resolution No. 1557 expressing the strong and unqualified support of the House of Representatives to His Excellency, President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. for his leadership and sincere commitment to steer the country toward a Bagong Pilipinas (New Philippines) through responsive and efficient service for the benefit of the Filipino people,” sabi ni Gonzales.
Ang Bagong Pilipinas aniya ay isang patotoo sa hangarin ng Presidente na maglatag ng reporma at maibalik ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagpapaabot ng government service at tulong pinansyal sa lahat ng Pilipino.
“It is the overarching theme of President Marcos administration’s brand of governance and leadership, characterized by a principled, accountable, and dependable government reinforced by unified institutions of society,” ayon sa Kamara.
Tinuran ng Kamara na sa ginanap na Bagong Pilipinas kick-off rally nitong Linggo ay kinilala ng Pangulong Marcos ang masalimuot at nagbabagong mundo na kailangan ng nagkakaisang tugon para mapalakas ang ekonomiya at masiguro ang magandang bukas para sa mga kabataan.
Ipinaalala din anila ng Pangulo sa mga kawani ng pamahalaan na sila ay servants o tagapagsilbi ng taumbayan.
Bibigyan ng Kamara ng kopya ng resolusyon ang Oresidente.| ulat ni Kathleen Forbes