Asahan na ang pagsusulong pa ng kapakanan ng mga uniformed personnel at pamilya ng mga ito ngayong taon, lalo’t itinaas ng pamahalaan ang 2024 budget ng Department of National Defense (DND).
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinasalamin lamang ng commitment na ito ang suporta ng gobyerno sa nagpapatuloy na AFP Modernization Program, at ang Pension at Gratuity Fund upang masiguro ang financial stability para sa military at civilian personnel.
“With an increased 2024 budget for the DND, we’re dedicated to ensuring the well-being of our uniformed personnel and their families. This commitment is evident in our support for the Revised AFP Modernization Program and the Pension and Gratuity Fund, ensuring financial stability for military and civilian personnel.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, binibigyang prayoridad ng administrasyon ang pang-araw-araw na buhay ng mga ito.
Kung matatandaan, una nang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang rice subsidies at Tertiary Health Care sa AFP Medical Center, para sa advanced medical services at iba pang wellness support para sa mga ito.
“Beyond duty, we prioritize their daily lives. I have approved a specific budget for rice subsidies and Tertiary Health Care at the AFP Medical Center for advanced medical services and overall wellness support.” — Pangulong Marcos.
Ngayong taon, nasa higit P200 billion ang inilaang pondo ng administrasyon, para sa Defense Department. Mas mataas ng higit P8 billion noong nakaraang taon. | ulat ni Racquel Bayan