Karagdagang kontribusyon sa Pebrero, maghahatid ng dobleng benepisyo sa mga miyembro ayon sa Pag-IBIG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Home Development and Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na ang pagtaas ng kontribusyon nito sa Pebrero ay babalik din sa mga miyembro.

Ito’y matapos ianunsyo ng Pag-IBIG na magiging doble na ang hatid na benepisyo nito sa mga miyembro simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Alexander Hilario “Alex” Aguilar na ang makokolektang karagdagang contribution sa Pag-IBIG members ay gagamitin sa mga proyektong pabahay at iba pang mga programa.

Kaugnay nito, aabot sa ₱38-billion na pondo ang malilikom ng Pag-IBIG sa unang buwan ng dagdag koleksyon at maaaring madagdagan pa ito sa mga susunod na buwan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us