Ipinaabot ng tanggapan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1 ang karagdagang tulong sa tatlong pamilya na biktima ng dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog ngayong lamang buwan ng Enero sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan partikular na sa Brgy. Tebag noong January 2, at sa Brgy. David noong January 7.
Pinangunahan ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno, MSWDO Head Rowena De Guzman At DSWD Region 1 Project Development Officer Angel Austria Jr. ang distribusyon sa mga nasunugang residente.
Ilan sa mga tinanggap ng mga benepisyaryo mula sa ahensya ang food packs, kitchen kits, hygiene kits at sleeping kits.
Ayon kay Austria, ang nasabing ayuda ay bahagi ng disaster response management ng pamahalaan upang matulungan ang mga benepisyaryo sa pagsisimula pagkatapos ng sakuna.
Una na rin nagpaabot Ng tulong pinansiyal Ang LGU sa mga biktima depende sa laki ng danyos na naitala sa kanilang tirahan.| via Verna Beltran | RP1 Dagupan
đŸ“¸ LGU MANGALDAN