Lumagda sa isang kasunduan ang Office of Civil Defense (OCD) at Next Generation Advocate Foundation Philippines Inc. (NEXT-GEN) para mapalakas ang kakayahan ng gobyerno sa pagtugon sa mga kalamidad.
Sa pamamagitan ng kasunduan, sinabi ni OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno na magkakaloob ang NEXT-GEN ng kanilang resources sa tuwing may kalamidad.
Kasama rito ang logistic support, dahil may mga truck, heavy equipment at warehouse ang NEXT-GEN.
Gayundin ang financial support kung kakailanganin, pati na ang communication equipment na karaniwang nagiging problema tuwing may kalamidad.
Ayon kay Princess Go, ang treasurer ng NEXT-GEN Foundation, ang kanilang grupo na binubuo ng mga miyembro ng pribadong sektor ay itinatag noong manalasa ang typhoon Odette.
Inihayag ni Ms. Go na nagkasundo ang mga miyembro ng kanilang grupo na isentro ang pagtulong sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Leo Sarne
📸: OCD