Pinangunahan ni Philippine Navy Vice Commander, Rear Admiral Caesar Bernard Valencia, at Philippine Ambassador to Indonesia, Hon. Gina Jamoralin, ang delegasyon ng Pilipinas sa Keel Laying at First Steel Cutting Ceremony para sa dalawang karagdagang Landing dock ng Philippine Navy sa PT Pal Indonesia Shipyard sa Surabaya, Indonesia nitong Lunes.
Ang keel-laying ay hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon ng ikatlong landing dock ng Philippine Navy; at ang steel cutting naman ang inisyal na hakbang sa paggawa ng ikaapat na landing dock.
Ang dalawang bagong barko ay kakambal ng unang dalawang landing dock ng Philippine Navy, ang BRP Tarlac (LD601) at BRP Davao Del Sur (LD602), na hango sa disenyo ng Makassar-class landing platform dock ng Indonesian Navy.
Ang mga karagdagang barko ay bahagi ng Landing Dock Acquisition Project (LDAP) ng Philippine Navy na nagkakahalaga ng ₱5.5-billion kasama ang mission-essential equipment. | ulat ni Leo Sarne
📸: PN