Tinalakay ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa mga Navy Chief sa Indo-Pacific Region ang kahalagahan ng koordinasyon, kolaborasyon, at kolektibong aksyon sa Humanitarian and Disaster Relief (HADR).
Ito’y sa pakikilahok ni VAdm. Adaci sa 9th Multilateral Maritime Key Leadership Engagement na “hosted” ni US Pacific Fleet Commander, Adm Samuel Paparo.
Ang pagpupulong na isinagawa sa pamamagitan ng video-conference ay nilahukan ng Chief of Navies at mga Naval Leader ng iba’t ibang bansa sa Indo-Pacific region.
Ang diskusyon ay naka-sentro sa temang “Challenges delivering Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HA/DR) in the Indo-Pacific and how we can strengthen our response together”.
Sa kanyang panig, ibinida ni VAdm. Adaci ang mga inobasyon na isinagawa ng Pilipinas para maging mas epektibo sa HADR. | ulat ni Leo Sarne