Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na isailalim sa review ang komposisyon at kakayanan ng mga commissioner ng CHED.
Bunsod pa rin ito ng anunsyo ng ahensya na natapos na ang otorisasyon at funding ng mga state universities and colleges para mag offer ng senior high school program.
Punto ni Barbers, imbes kasi na palawigin ang programa upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon, ay ginamit ng CHED and isang maliit na teknikalidad para ipahinto ang ito.
“Instead of being part of the solution, CHED created another problem. It is as if our educational system is not beset with enough problems. The callous pronouncement only shows the priorities and incompetence of the sitting set of Commissioners, whose qualifications and outputs should now be reviewed by a body created by the President”, saad ng mambabatas
Para sa kongresista, hindi na sapat na may Masteral o Doctorate degree lang ang mga CHED Commissioner, bagkus dapat aniya ay may magandang managerial experience, karanasan, isang experienced educators at may natatanging karakter.
Maigi rin aniya na rebyuhin muna ang performance o trabaho ng bawat Commissioner upang makapagtalaga ng nararapat na opisyal na tutulong para mapa-angat ang kalidad ng edukasyon ng Pilipinas hindi lang sa papel ngunit sa performance ng mga mag aaral na magsisipagtapos. | ulat ni Kathleen Forbes