Nag-abiso ngayon ang pamahalaang Lungsod ng Quezon sa inaasahang pagsisimula ng konstruksyon para sa Proposed Development of the Directional Islands na tatlong kalsada sa lungsod.
Kabilang dito ang intersections ng East Avenue, Quezon Avenue, at Visayas Avenue.
Ayon sa LGU, asahan ang mga heavy machinery at construction equipment sa paligid ng mga naturang lugar dahil sa pagsisimula ng konstruksyon.
Dahil dito, pinaghihinay-hinay ang mga motorista sa pagdaan sa mga nabanggit na kalsada at tiyaking sumunod sa directional signages at hazard markers na ilalagay sa mga kalsadang ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa