Sisimulan na ang konstruksyon ng mga directional island sa paligid ng Quezon Memorial Circle ayon sa Quezon City Local Government.
Magsisimula ito sa mga intersection ng Elliptical Road ng East Avenue, Quezon Avenue, at Visayas Avenue.
Pinapayuhan ang mga motorista na magkakaroon ng mga directional signage at hazard marker na ilalagay sa mga lugar ng konstruksyon alinsunod sa kinakailangang safety procedures.
Asahan rin ang malalaking makinarya at kagamitan sa konstruksyon sa mga nasabing lugar kung kaya pinagdodoble ingat ang mga motorista sa pagmamaneho at pagpapanatili ng mas mahabang pasensya. | ulat ni Jollie Mar Acuyong