Sinimulan na ng National Irrigation Administration (NIA) ang konstruksyon ng P2.435 billion na Bayabas Small Irrigation Project sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Ayon kay NIA Acting Administrator Eduardo Guillen, kapag natapos ang proyekto kaya nitong patubigan ang 27,978 na ektarya ng lupang sakahan sa 17 munisipalidad sa Bulacan at apat na bayan sa Pampanga.
Ayon sa NIA, nasa 20,016 na magsasaka ang makikinabang sa irigasyon.
Hindi lamang ito magpapagaan sa isyu ng tubig sa bansa kung hindi makapagbigay din ng iba pang benepisyo sa ekonomiya.
Binigyang halimbawa nito ang aquaculture development, turismo at watershed development. | ulat ni Rey Ferrer