Kontribusyon ng BCDA sa AFP, umabot na sa P78.34B

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa P78.34 bilyon ang kabuuang kontribusyon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Batay sa BCDA, kasama sa halaga ang P48.59 bilyon para sa modernization program habang ang natitirang P29.75 bilyon ay napunta sa replikasyon ng military facilities.

Binanggit din nito na ang nasabing mga kontribusyon ay naipon na suporta mula Mayo 1993 hanggang Oktubre 2023.

Ang BCDA ay inatasang tumulong na palakasin ang AFP sa pamamagitan ng pangangasiwa ng kumbersyon ng mga lupain ng militar. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us