Kooperasyong pandepensa sa pagitan ng Pilipinas at Germany, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan PN(M) si German Federal Ministry of Defence Director for Security and Defence Policy, Brigadier General Jürgen Schrödl sa kanyang pagbista sa AFP General Headquarters kahapon.

Ang opisyal ng Alemanya ay nasa bansa para sa 2nd Philippines-Germany Staff Talks, kung saan tatalakayain ang pagsulong ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.

Sa pag-uusap ni Lt. General Gaerlan at BGen Schrödl, kapwa inihayag ng dalawang opisyal ang kanilang commitment na suportahan, palakasin at ipagpatuloy ang relasyong pandepensa ng Pilipinas at Alemanya.

Nagpasalamat si Lt. Gen. Gaerlan sa pagbisita ni Bgen. Schrödl, at sinabing umaasa siya na sa pamamagitan ng mas marami pang “engagement” ay magkakaroon ng mas malalim na pang-unawa ang Alemanya sa mga pangangailan ng AFP. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us